DAGDAGAN NG DALAWANG TAON ANG PAG-AARAL SA BASIC EDUCATION
Ang edukasyon ay mahalaga. Bilang estudyante, sinisikap nating mag-aral para makapagtapos sa kolehiyo at para magkaroon ng magandang trabaho para sa ating kinabukasan. Ating sinisikap na mag-aral mabuti para makamit natin ang ating napakagandang pangarap para sa ating bansa. Tayo’y ay nag-aaral para maging isang magaling na enhinyero, mahusay na doctor, propesyonal na guro at piloto at iba pa. Sinisikap nating mag-aral para maging pag-asa ng bayan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”. Sa kamay ng mga kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng bansang Pilipinas. Sa pagsisikap ng mga kabataang mag-aral ay maiaangat nila ang kalagayan ng bansa.
Pinag-uusap-usapan dito sa Pilipinas na ayon sa DepEd at CHED ay magdadagdag daw ng dalawa pang taon sa mababang paaralan pati narin sa sekondarya at kolehiyo. Ang rason ng DepEd at CHED ay para daw sumabay tayo sa standard ng edukasyon sa buong mundo.
Kung ating bigyang pansin ang edukasyon sa ating lipunan, makikita natin na walang suporta ang gobyerno para ditto. Ating makikita na ang mga estudyante na nagsusumikap para lang makapagtapos ng pag-aaral at nakikita naman natin na ginagawa ng mga guro ang kanilang makakaya sa pagtuturo sa kabila ng lahat. Kung dadagdagan pa ng dalawang taon ang edukasyon sa Pilipinas lalo pang mahihirapan ang mga estudyante sa pag-aaral. Isa pa, hindi lang mga guro at etudyante ang maghihirap. Pati mga magulang ay mahihirapang mapag-aral ang kanilang mga anak. Sa totoo lang imbes na anim na porsyento ng GDP ng Pilipinas ang ilaan ng gobyerno sa edukasyon ay nasa dalawang porsyento lamang ang inilalaan nilang budget para dito. Sa madaling salita, pinapabayaan na ng gobyerno ang edukasyon, mga manggagawa at ang halaga ng edukasyon sa isang tao.
Kung kanilang pagtuonang pansin sana ang edukasyon ay maaaring ang kalidad ng edukasyon dito sa atin ay mataas. Ang mga guro rin ay nangangailangan din ng suportang galing sa pundo ng gobyerno. Ating bigyang pansin sana ang kanilang pangangailangan para mas lalo pa silang mahikayat magturo. Dapat itaas ang sweldo ng guro dahil sila ang nagsusumikap magturo para may matawag na propesyonal. Ang mga kagamitan naman sa ating paaralan ay dapat sapat lang. Ang libro, visual materials at iba pang gamit paaralan ay dapat sapat para sa mga mag-aaral.
Kung ipipilit ng gobyerno ang pagdaragdag ng dalawang taon sa edukasyon, hindi ako sang-ayon dito. Lalo lang itong pabigat sa mga mag-aaral at mga magulang. Oo nga’t maging pareho tayo sa ibang bansa na labindalawang taon ang kailangang matapos sa basic education, ay lalo pa naman tayong maghihirap dahil ang mga estudyante ay gugugol ng mas maraming oras sa pag-aaral at ang gagastosin sa eskwelahan ay bibigat lalo na’t mahal ang tuition fee.
Mapapabuti ba ang edukasyon sa gagawin ng DepEd? Hindi. Dati na tayong naghihirap dahil sa pinabayaan ng gobyerno ang edukasyon sa ating bansa. Oo nga’t dito lang sa Pilipinas ang may sampung taon lang ang pag-aaral sa basic education o ang tinatawag na elementarya at mataas na paralan pwedi rin naman nating maiaangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Halos lahat ng mga Pilipino ay namumuhay sa pagtuturo. Pero nakakalungkot na ang pinakamamahal nilang propesyon ay unti-unting nasisira dahil sa walang magawa ang gobyerno. At ang bunga ng kanilang pagod at pagsisikap ay wala na palang kalidad.
Para sa akin panahon na para bigyang pansin ang edukasyon sa ating bansa. Ating isipin ang ating mga guro at ang kanilang pangangailangan. Ayon sa Batas Pambansa ng Pilipinas artikulo una at pangalawa, ang tao ay may kalayaang mag-aral. Kaya naman tayo ay nagsusumikap. Kung magdaragdag pa ng dalawang taon ay para ring binabaliwala ang bias ng batas na ito. At ang resulta ay mas marami pa ang magiging illiterate.
Tama na ang sampung taon sa basic education. Ang kailangan lang ay pansinin naman ang mga pangangailangan dito para maipangat ang edukasyon. Bigyan ng sapat na pundo ang edukasyon at hwag ipagdamot ang edukasyon sa nangangailangan. Kung tayo’y magtulungtululongan, ating makamit ang magandang kinabukasan.
Saturday, September 25, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)